Tuesday, December 20, 2005

Totoo. Sana okey ka.





Kapag di umubra, click mo ito:

Sunday, December 04, 2005

Lola Crayola

Pinakamaraming kulay ng damit:

1. Violet/Purple/Indigo. Ewan kung paano ito nangyari. Di ko naman sobrang paborito ang violet.
2. Pink! Ewan ko rin. Anong tagalog sa pink?

Ibig sabihin, kulay aubergine (uh, talong) ang wardrobe ko.


Mga kulay ng damit na tig-isang piraso lang:


1. Dilaw.

2. Berde.

3. Kahel.


Wala akong damit na kulay GRAY. Ayokong magmukhang eraser.

Gusto ko ang kulay na happy yellow. Pero hindi iyon bagay sa kulay ng balat ko.

Paborito ko ang kulay ng langit kapag dapithapon. Nasusunog ang mga ulap. Ibig sabihin, tapos na ang isang buong araw. Wala ka nang magagawa.


Kung papipiliin ako ng kulay ng mata, gusto ko berde. Mukhang alaga sa Eye-Mo at Visine.


Dati, takot akong magsuot ng pulang sapatos. Meron kasi akong nabasang kuwento tungkol sa batang suwail na nagsuot ng pulang sapatos sa simbahan kahit ipinagbawal iyon ng kanyang lola. Nang pumasok siya sa simbahan nagsimulang magsayaw ang kanyang mga sapatos. Inilibot siya ng mga iyon sa kagubatan at sa buong mundo. Natapos lamang ang kuwento nang ipinaputol niya sa "mabait" na mangangaso ang kanyang mga paa. Ipinasok siya ng mangangaso sa kumbento at doon na rin siya namatay na nagsisisi sa kanyang mga kasalanan.


Meron na akong pulang sapatos ngayon.


Pula rin yata ang kulay ng sapatos ni Dorothy sa Wizard of Oz.

Ah, hindi. Silver daw talaga 'yun. Ginawa lang nilang pula sa cartoons para lumitaw ang kulay ng Emerald City at ibida ang Technicolor Photography. Nagkaroon pa pala ito ng isyu. Ayon sa www.econoclass.com:

It's a shame, for the silver shoes were rich with symbolism. As explained by Henry M. Littlefield ("The Wizard of Oz: Parable on Populism," American Quarterly, Spring 1962), Baum's book was much more than just a whimsical children's fantasy; it was also a sly allegory of the 19th century Populist movement. Dorothy's silver shoes were intended to represent the Populist hope that America would abandon the yellow brick road of the gold standard, and monetize silver. A bimetallic monetary system, as the Populists knew, would bring inflation--and prosperity--to struggling Midwest farmers.


Asus, hindi nga? Over-reading naman yata, dude.


"Yellow" lang ang kanta ng Coldplay na gusto ko. Sabi nila ito ang pinaka-pangit na kanta ng banda sa unang album.


Dilaw din ang kulay ng aking kapatid noong nagka-hepatitis siya. Mukha siyang maputlang mais. At dahil bawal kaming lumapit sa kanya ng dalawang linggo, siya ang masayang halimaw na lapit nang lapit sa amin.


Noong limang taong gulang ako, meron akong weird na panaginip na laging nauulit. Naglalakad daw ako sa disyerto na kulay puti ang buhangin at meron akong asno na hindi ko sinasakyan.


Noong walong taong gulang ako, meron ulit akong weird na panaginip na laging nauulit. Nakasakay daw ako sa jeep tapos pagbaba ko sa kantong papasok sa subdivision namin, nag-aabang doon si LANI MERCADO. Naka-puting pantulog siya. Takot na takot ako sa kanya.


Meron akong nabasang libro noong elementary tungkol sa batang naligaw sa mundo ng bahaghari. Bawat kulay ng bahaghari ay katumbas ng isang araw. Pinakamalungkot na araw ang Indigo Day dahil malamig at hindi makalabas ng bahay ang mga bata. Pinakamasayang araw ang Orange Day dahil good mood ang araw at puwede silang maglaro. Sayang at hindi ko na maalala kung anong ginagawa nila sa ibang mga araw/kulay. Hindi ko na rin maalala ang pamagat ng librong ito.


Sabi ng isa kong kaibigan, mukha raw akong Sepia. Ibig sabihin, mukhang lumang larawan na pang-exhibit sa kasaysayan ng Tropicana Pictures. Muntik ko na siyang bigyan ng black eye.


Sabi sa agham, itim ang kawalan ng liwanag at kulay .


Sabi ng pintor, paghalu-haluin mo ang lahat ng kulay para makagawa ka ng itim.


Sabi ng bituin, itim ang hiwaga ng hatinggabi.


Sabi ng Love Radio: Kelangan pa bang i-memorize 'yan?


Sabi ng Yes FM: For Life.


Sabi ni Aiza Seguerra: Ay Tengk Yu!


Bow.